Monday, April 25, 2016

STAY PURE

Ano ba ang love? Kailangan pa ba talaga ng mga physical touch tulad ng hugs, kisses, holding hands at iba p;a. Alam ko kasi pag mahal mo ang isang tao yun yung napapasaya ka niya. Yung pag magkasama kayo okay na. E yung iba kasi lahat binibigay na. Para sa akin kasi kung totoong mahal ka ng isang tao hindi ka niya kailangang tanungin nun at kailangang hilingin yun sayo. Kase kung talagang mhal ka niya hindi ka niya kukulitin sa bagay na yun at hihintayin niya yung araw na pwede na , yung kasal na kayo. Diba totoo naman? Aabot din naman kayo sa ganun. Oo, alam ko s panahon ngayon hindi na uso yung wala pa ang nakakakiss sayo, hawak at yakap. Dahil sa panahon ngayon pag kayo na pwede nyo ng gawin yon.
Pero kung iisipin mas masaya at masarap sa pakiramdam ng isang tao lang ang lahat ng first kiss mo, holding hands at kayakap. Sa panahon ngyon kahit magkarelasyon palang pati yung bagay na dapat ginagawa ng mag-asawa ay ginagawa na. Tapos pag nahiwalay ayun tira-tira ka nalang.
Iba na talaga ang panahon ngayon, hindi na ulad ng dati na bawal pai hoding bhands, mas masarap siguro sa panahon na yun kasi lahat ikaw lang. Kaya sana ikaw ingatan m,o ang sarili mo at wag mong hayaang maging tira-tira ka nalang, kawawa naman ang magiging asawa mo at maawa sa  rin sa sarili mo. Hintayin mong dumating yung araw na kasal na kayo. :)

Sunday, April 24, 2016

Paghanga

Ako ay naguguluhan
Sa aking nararamdaman
Sapagka't ako ay may hinahangaan
Sa taglay niyang kakyutan
Pag siya'y dumadaan
Sa aking harapan
Ako ay kinakabahan
Ako ay naguguluhan
Ganun ba talaga ?
Pag ika'y humahanga
Di malaman ang gagawin
Tuwing siya ay nakatingin sa akin
Pero saya ang dating niya sa akin :)

Ang puso ay natuturuan din pala

Natuturuan ba talaga ang puso? Siguro, dahil lahat naman ng bagay natututunan.Kung gusto mo talaga may paraan. OO, Mahirap talagang turuan ang puso lalo na kung itatatak mo sa isip mo na imposible ito. Maraming tao ang nagsasabi na mahirap turuan ang puso. Wag mo silang pakikinggan dahil nawawalan ka lang ng pag-asa.Marami sa kanila ang magsasabi na hindi matututuruan ang puso, kahit na magsearch kapa maraming magsasabing imposible.Kung ako sayo , Mag-isip ka nalang ng bagay na makatutulong kung paano mo matututunan ang maturuan ang puso. Mag pray ka kay god, dahil kay god walang imposible. Humiling kalang at tutulungan ka niya:)

Ang tunay na kalayaan

Ano nga ba ang tunay na kalayaan?Para sa akin ang kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon kang kalayaan, walang sino man ang makapipigil sayo sa mga gagawin mo. Ang pagiging malaya ay yung nagagawa mo ang lahat ng nais mong gawin anu man yan ng walang pangangamba, takot at walang oras na sinusunod. Maraming uri o klase ng kalaayaan . May kalayaan din tayong ipingkaloob ng diyos tulad ng kalayaang nagsalita, gumalaw, maging masaya at mabuhay.
Ang kalayaan din ay may tamang edad, pag umabot kana sa edad 18 o higit pa ,  magagawa mo na lahat ng gusto mo, hindi kana pipigilan ng magulang mo sa mga bagay na gusto mo. Alam  mo na ang tama at may kakayahan ka na rin magdesisyon sa mga bagay na gagawin mo.Iyan ang tuanay na kalayaan. May tamang panahon rin ito.

Paano ba mag move-on?

Paano ba magmove-on? Ito ang karamihang tanong ng mga kabataan sa panahon ngayon, dahil maraming kabataan ang pumapasok sa isang relasyon. MOVE-ON madaling sabihin pero mahirap gawin.  Relasyong maagang natatapos at napupunta sa pag momove-on. Paraan lang para magmove-on. Maraming paraan para makapag move-on, marami din ang taong handang  dumamay sayo sa oras na kailangn mo sila.Unang-una nag pamilya mo , pangalawa ang mga kaibigan mo. Kung gusto mo makamove-on alisin muna ang mga bagay na nakakapagpaalala sayo sa kanya, ituon ang atensyon at ibigay ang oras mo sa pamilya at mga kaibigan mo, at huli tanggapin ang katotohanan at maging mapagpatawad.:)

Para sayo kaibigan

Lahat tayo may kanya-kanyang kaibigan
Kaibigan na kasama kahit saan man
Kaibigan na maasahan
Kaibigan na kasama mo sa kagagahan/kagaguhan
Kaibigan na masasandalan
Kaibigan na matatakbuhan sa oras na kailangan
Kaibigan na masasabihan
Kaibigan na laging nandyan
Kaibigan na hindi ka hahayaang masaktan
Kaibigan na kasama mo sa kasiyahan o sa kalungkutan man
At higit sa lahat kaibigan na hindi ka iiwanan
Kahit na ang mundo ay iniwan kana

Ang kaibigan ay parang isang kayamanan
Mahirap matagpuan dahil madaming peke sa daan
Madaming lugar ang mapupuntahan
Mahanap lang ang inaasam na kayamanan
Kaya pag nahanap mo na IINGATAN MO yan.